Pinoy Astrology
 
Pinoy Zodiac Sign


 
 


AQUARIUS
THE WATER CARRIER - JANUARY 20 - FEBRUARY 18
BIRTHSTONE: AMETHYST
BIRTHFLOWER: VIOLET o PRIMROSE
COLORS: YELLOW, NILE GREEN o LIGHT BLUE
RULING PLANET: SATURN

BEST MARRIAGES: ARIES, LEO o SAGITTARIUS

EARLY PERIOD: Ang Aquarian na nasa period na ito ay nagpapakita ng pagiging selfish na hindi natural sa sign na ito. Mayroon silang makataong pamamaraan sa buhay ngunit iniisip muna nila ang kanilang sarili, marahil ay dahil na rin sa impluwensiya ng Sagittarius. Marami silang kakayahan at malalim ang kanilang pagkatao kung kaya’t natural sa kanila na unahin muna ang ikagiginhawa ng kanilang sarili kaysa sa iba. Kung kaya’t madalas silang maging subjective kaysa maging objective. Nagiging mailap sila at mapagtuos at masyadong tuso sa kanilang pakikipag-usap kung kaya’t nagkakaroon ng maling impresyon sa yaman at impluwensiya.

LATE PERIOD: Dito sa period na ito makikita ang talagang ugali ng isang Aquarian. Hindi sila natatakot kapag-alam nilang nasa tama sila, puwede silang magtagumpay at puwede ring hindi. Ang period na ito ay may malakas na impluwensiya sa katangian ng pisces at makikita mo rin ang kanilang ugali rito.

POSITIVE TRAITS: Nais nilang magtrabaho ng nag-iisa dahil sa kanilang pagiging individualist. Masyadong advanced ang mga idea sa kanilang buhay, broad-minded, may konsiderasyon at tumutulong ng hindi naghihintay ng kahit na anumang kapalit. Iginagalang nila ang paniniwala ng ibang tao at hindi sila gumagawa ng bagay na maaaring makasakit sa mga ito. Dahil sa pagiging matulungin, hindi napapahiya ang sinumang tao na lalapit sa kanila at hihingi ng tulong.

NEGATIVES TRAITS: Mahilig magplano ng nag-iisa ang Aquarian subalit anuman sa mga ito ay walang natutuloy, puro nalang balak. Karamihan sa kanila ay nabubuhay sa pangarap at hindi marunong tumanggap ng kanilang pagkakamali. Ang kanilang opinion tungkol sa ibang tao o bagay ay nakakasira.

Ang isang Aquarian ay makatao, bukas ang palad sa kanyang kapwa. Ngayong nasa Age of Aquarius na tayo, dalawang pangunahing tema ang dapat iangat ng mga Aquarian. Una’y ang pagiging pantay at ikalawa’y ang pagkakaisa ng lahat. Ang mga babae ngayon ay itinuturing nang kapantay ng lalaki sa halos lahat ng bagay. Wala ng masyadong diskriminasyon sa kasarian na di gaya ng mga naunang panahon. Higit na ring mulat at enlightened ang mga tao hinggil sa kanilang mga karapatan. Gayunman, ang pagkakaiba at pagkakawatak-watak ay nananatili sa marami pang aspeto. At ito ang isa sa malalim na concern ng Aquarius. Sino ba ang manunubig na nagging si Aquarius? Siya si Ganymede, ang pinakamabikas na lalaki sa troy. Nang mag-asawa si Hebe, anak nina Zeus at Hera, si Ganymede ang ipinalit bilang tagadulot ng tubig sa mga diyoses sa Olympus. Ang pagkakalarawan sa kanya ay nagbubuhos ng tubig mula sa isang lalagyan, bilang simbolo ng ulan o ng grasya mula sa langit. Mabait at mapagkawanggawa ang mga Aquarian. Hindi materyalisko. At kapag yumaman o tumaas ang tungkulin nila, asahan mong hindi nila ipagdaramot sa iba ang tinamong magandang kapalaran. May personal na magnetismo rin silang pakibagayan at karamihan ay level-headed. Masisipag sa trabaho at bihirang maaburido o dumating nang wala sa lugar. Pero mayroon naming mga Aquarian na hanbog at mahilig magsiklab. Sa pakikitungo’y inuuna muna ang sarili bago ang iba. Minsan, magiliw sa kaharap, pero sa susunod na pagkikita’y waring hindi na ito kilala. At kung sila’y mabigo, iba ang kanilang sinisisi. Matalino ang karamihan sa nga Aquarian. Saan mang mataas na mga larangan ay may nagiging prominente. Maraming nagging pangulo ng iba’t-ibang bansa ang isinilang sa signos na ito. Sa isang kontrobersyal at masasabing debatable survey sa mga kilalang taong ipinanganak sa signos ng manunubig, lumalabas na nakahihigit sila 40 to 1 sa mga ipinanganak sa ibang signos ng Zodiac sa lahat ng larangan sa buhay. Saturn din na gaya ng sa Capricorn ang planetang gumagabay sa signos ng Aquarius.

 
 
 
 


Copyright © 2008. Pinoy Astrology. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact