|
|

ARIES
THE RAM - MARCH 21 - APRIL 19
BIRTHSTONE: DIAMOND
BIRTHFLOWER: SWEET PEA O DAISY
COLOR: RED AT PINK
RULING PLANET: MARS
BEST MARRIAGES: GEMINI, LEO, LIBRA, SAGITTARIUS, At kung minsan
ARIES
EARLY PERIOD: Sa mga unang linggo ng Aries. Mayroon pa silang
kapareho ng ugali ng isang Pisces. Sila ay kumukilos base sa kanilang
kutob, at naiintindihan kaagad nila ang isang sitwasyon sa palaging
magandang paraan o kaya sa isang di inaasahang pagkakataon ay kaya nilang
dalhin maging ang kakaibang sitwasyon. Sila ay may kakayahang
makaimpluwensiya ng tao sa mapagkaibigang pag-uugali kaysa sa makikita mo
sa tipikal na agresibong Arian.
LATE PERIOD: Sa huling bahagi ng kalendaryo ng Arian, mayroon
namang silang ilang pag-uugali na kapareho sa isang Taurean. Magaling
sumunod sa mga pinag-uutos at ito ay nakakadagdag sa isa sa magandang
katangian ng Aries, subalit ang Aries ay maaaring magbuhos ng atensiyon sa
isang bagay na hindi naman gaanong importante. Mayroon din silang malakas
na simpatiya sa tao.
POSITIVE TRAITS: Sila ay adaptable dahil sa pagiging active o
palaging on the go. Ang gusto ng Aries ay palaging action agad. Hindi
madaling sumuko sa problema ang isang Arian at madalas sa alam nila ang
kanilang direksyon at gagawa sila ng paraan upang makamit nila ang mga ito.
Nakakahawa ang pagiging energetic at madalas silang maging ehemplo kung
paano mabuhay ang isang tao. Pala-ayos ang isang Arian kung kayat sila
naman ay youthful looking at palaging maganda.
NEGATIVES TRAITS: Puwedeng maging destructive ang isang Arian
lalo’t na’t hindi nila nakamit ang kanilang kagustuhan. Kung minsan ay may
katigasan ang kanilang ulo, irritable at gusto nilang palaging inuunawa
ang kanilang pagkatao. Tactless silang makipag-usap at mahirap silang
pagpaliwanagan at kulang sa konsiderasyon. Maging sa pagdedesisyon ay
pabigla-bigla kung kaya naman ay pinagsisisihan nila ito sa dakong huli.
Ang mga taong ipinanganak sa signos na ARIES ay aksyon agad ang hanap,
palibhasa’y may pagka-restless sila at go-getter. Maambisyon di sila;
gustong makayari agad gaano man kaliit ang kanilang balak. Kung minsan,
hindi pa natatapos ang isang bagay ay nagsisimula naman sila ng iba, kaya
ang nangyayari tuloy ay wala silang natatapos. Gayunman , pag naniniwala
sila sa isang bagay o hangarin ay maaaring sila na mismo ang manguna. Ang
problema lang kay aries, madaling mag-init ang ulo nila at may pagka-temperamental.
Mapagsarili, ayaw nilang may kaagapay o katuwang hangga’t maaari at kung
magagawa rin lang ay mag-isa silang sasagupa sa kalaban o lulutas sa
problema. Ganyan kasi ang lalaking tupa, handang manuwag. Kuha ni aries
ang katangiang ito sa mandirigmang si Mars sa kanyang ruling planet. Si
Mars ay isang magiting na lalaking pumapangalawa kay Jupiter sa
kapangyarihan. Walang takot, palagi siyang nangunguna sa mga kilusan. At
kung magbibigay man siya o makikipagkasundo, ito’y upang maghintay lang ng
pagkakataong sa wari niya’y magtatagumpay siya. Sa kabila nito, ang
planetang Mars ay patron din ng tahanan, tagapangalaga ng mga tanim at mga
bukirin. Bilang mandirigma, tapat siya sa kanyang tungkulin. Siya’y sanay
mapakipagsapalarang tulad sa isang true-blooded warrior.
|
|