|
|

CANCER
THE CRAB - JUNE 21 - JULY 22
BIRTHSTONE: RUBY O ONYX
BIRTHFLOWER: WATERLILY O LARKSPUR
COLORS: GREEN AT SUSSET
RULING PLANET: MOON
BEST MARRIAGES: LIBRA, SCORPIO, CAPRICORN AT PISCES
EARLY PERIOD: Dito, ang Cancerian ay mabilis magbago ng disposisyon
dahil na rin sa impluwensiya ng Gemini. Nandito rin ang home-loving ang
isa sa magandang katangian ng Cancer at kung maisasama pa ang ugali at
impluwensiya ng Gemini ay lalong gaganda ang katangiang ito. Nangingibabaw
sa kanila ang kanilang emosyon kung kayat ang malayo sa kanilang minamahal
ay lubos na mahirap para sa kanila.
LATE PERIOD: Nandito naman ang mga conservative type dahil na rin
sa impluwensiya naman ng Leo. Kung paano ito nagtatagumpay ay iyan ang
tanong na tanging ang Cancer lamang ang makakasagot. Kapag naiisip nila
ang kahirapan ay nakakaramdam sila ng pagkatakot kung kayat ito naman ang
damdaming nagtutulak sa kanila upang magsikap sila. Kailangang bigyan ng
panahon ang meditation at kung hindi ay mararamdaman nilang sila ay
napapagod na at mahihirapang makamit ang mga bagay na gusto nilang maabot.
POSITIVE TRAITS: Sa lahat ng Zodiac sign, sila ang pinaka-maternal.
Kahit ang lalaking ipinanganak sa sign na ito ay mayroong motherly o
protective quality. Gusto nilang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng
kanilang pamilya dahil mahalaga sa kanila ang pakiramdam ng pamilya.
Mayroon deep sense of brotherhood ay respeto sa karapatan ng iba.
Mapanghahawakan mo rin ang salita ng isang Cancer. Ang kaukulang sikreto
ng isang Cancer ay ang tagumpay. Sa kadahilanang alam nila ang daan tungo
sa tagumpay at magaling sa negosyo at madaling makamit ang kanilang
kagustuhan dahil na rin sa kanilang sariling pagsisikap.
NEGATIVE TRAITS: Taglay ng Cancerians ang maniana habit o bukas na
lang iyan. Kung minsan naman ai iniaasa sa iba maging ang pinakamahirap na
Gawain. Gusto rin na laging marinig na sila ay minamahal ng kanilang taong
mahal. Mahirap humarap sa katotohanan at madalas ay mahiyain ang mga ito.
Marami naman sa mga ipinanganak sa signos na CANCER (Birthstone: Ruby o
Onyx; Bulaklak: Waterlily; Kulay: Berde) ang tahimik, palaisip, maingat,
mahiyain, maramdamin, at relihiyosa. Hindi sila padalus-dalos. Iniisip
nilang mabuti ang isang hakbang o plano, at kapag naniwalang tama sila ay
hindi mo na mababago ang kanilang pasiya. Ito ang isang sikreto ng
kanilang tagumpay. Marami sa kanila ang may nararating sa negosyo,
yumayaman, at nasa mataas na katungkulan. Takot silang mabigo, kaya
ibinubuhos nila ang dunong, sipag at panahon sa isang balak bago nila ito
isakatuparan. Marami sa kanila ang mahilig maglakbay, pero lalong
kasiya-siya sa kanila ang pagbabalikbayan, o ang bumalik sa kanilang
sariling tahanan, sa piling ng mga mahal nila sa buhay. Kung minsan, sa
labis na pag-iisip ay nagkakaroon sila ng takot sa maaaring mangyari
kinabukasan. Ilan sa kanila ang selosa at mahirap magtiwala sa kapwa. Pero
habang gumagawa sila ng mabuti sa kapwa, higit pang kasiyahan at biyaya
ang natatamo nila. Ang Buwan ang gumagabay sa signos ng cancer. Sinasabing
ang Buwan, batay sa paglaki at pagliit nito ( waxing and waning) ang
lumilikha ng pagtaas at pagbaba ng tubig sa karagatan ( high tide and low
tide). O , kapag kabilugan ng buwan ay may kasabihang lalong lumalala ang
pagkabaliw ng mga nasisiraan ng bait. Mayroon ding matandang paniniwala na
nagiging bugnutin o nawawalan ng sigla ang isang tao dahil sa kalagayan ng
buwan. Samakatuwid ay naaapektuhan ng buwan ang isip at damdamin ng tao.
Kaya marahil pabagu-bago ang isip at pakiramdam natin, lalo ng mga babae.
|
|