Pinoy Astrology
 
Pinoy Zodiac Sign


 
 


GEMINI
THE TWINS - MAY 21 - JUNE 20
BIRTHSTONE: PEARL O BERYL
BIRTHFLOWER: HONEY SUCKLE O ROSE
COLORS: LIGHT BLUE O SILVERY WHITE
RULING PLANET: MERCURY

BEST MARRIAGES: ARIES, LEO, LIBRA AQUARIUS o kung minsan sa kapwa GEMINI

EARLY PERIOD: Ang Gemini dito ay bentahe sa puwersa o impluwensiya ng Taureans. Nandito ang mga magagaling na sales people. Palagi nilang nasasabi ang tamang bagay sa tamang sitwasyon. Nandito rin ang mga magagaling mangumbinsi. Madalas, dahil sa sobrang pagtanggap ng oportunidad ay nagdududa ang mga taong kaharap sa kanilang mga pangako, ngunit mabilis naman silang makagawa ng excuse at saka sila bubuwelta.

LATE PERIOD: Kung sa early period ay madali silang makaimpluwensiya, dito ay mas lalo na lalong-lalo na sa opposite sex. Makikita rito ang pagiging restless at hindi nakokontento sa isa lamang ang gagawin. Kapag ipinakita na nila ang kanilang pabago-bagong ugali o disposisyon, ang kanilang mga pinaghirapan ay maaaring mabalewala, ngunit dahil nga sa kanilang kakayahan makipag-usap ay madali silang makapag-umpisang muli.

POSITIVE TRAITS: Ang Gemini ay matalino at talented, kung minsan lamang ay nagiging totally unpredictable, dahil sa kanilang pangunguna, maging ang kanilang sarili ay nauunahan nila. Mahilig silang sumubok sa panibagong bagay at kapag alam na nila ay naghahanap na naman ng panibagong mapag-lilibangan. Kapag nabigo naman ay hindi nila binibigyan ng puwang ang pagmumukmok. Good conversationalist din ang Gemini at dahil sa pagiging charming ay madalas na maging main attraction sa anumang okasyon marahil ay dahil na rin sa pagiging smart at magkakaroon ng sense of humor.

NEGATIVE TRAITS: Kung minsan ay sarili lamang nila ang kanilang iniintindi at kadalasan ay masakit magsalita at walang konsiderasyon. Ang iba sa kanila ay hindi tumutupad sa kanilang pangako at dahil sa kanilang kagustuhan na makamit ang maraming bagay sa isang pagkakataon, madalas ay wala silang natatapos.

Ang mga taong ipinanganak naman sa ilalim ng signos na GEMINI (Birthstone: Perlas; Bulaklak: Rosas; Kulay: asul at puti) ay may dalawang personalidad na tulad sa kambal na sumisimbolo rito. Ayon sa mitolohiyang Griyego, kambal sina Castor at Pollux. Kakambal din nila (Quadruplets) sina Helen at Clytemestra. Anak sila nina haring Tyndareus at Reyna Leda ng Sparta. Sa gabi ng kasal ng hari at ng reyna, nagpanggap na swan ang bathalang si Zues at inunahan si Tyndareus na angkinin si Leda. Kaya ng isilang ang apat o quadruplets, ang itinuring na ama nina Castor at Clytemestra ay si Tyndareus, habang si Zues naman ang kina Pollux at Helen. Nakilala ang huli bilang si Helen ng troy, at si Clytemestra nama ay nagging asawa ni Agamemnon, ang pinakapuno ng mga sundalo ng Grecia sa Trojan war. Masigla ang mga Gemini, mautak, marunong, maraming alam, at lagging nangunguna. Madalas ay mahirap mahulaan ang susunod na hakbang nila. Magugulat ka sa bigla nilang maiisip gawin. Pero madali ring magbago ang kanilang isip. Basta nagustuhan ay gagawin; kapag nagsawa na ay basta na lang iiwan. Palakaibigan sila, matamis magsalita, lagging may bagong panukala. Magaling silang salesman at mahusay magtalumpati. Anumang bago ay sinusubukan nila, halibawa’y moda, o kung anuman ang uso. Kapag nagsawa, o nakinabang na, ay iba naman ang aatupagin. Hindi mapakali ang karamihan sa mga Gemini. Sila’y mga manlalakbay. Mahirap din silang maniwala. Mapag-alinlangan baga. Maraming panahon silang sinasayang. Pero kapag natutong magtiwala at ituon nang matagal ang panahon at sipag sa isang bagay, hindi lamang sila nagtatagumpay kundi lubos pang nasisiyahan dito. Mercury ang planetang gumagabay sa signos na Gemini. Sa kasaysayan, si mercury ay isang hensahero o tagahatid- balita, hindi lamang para sa mga buhay kundi pati sa mga patay, kaya wala siyang tigil sa paglalakbay. Maraming mga pangyayari at suliranin ang mahirap unawain o lutasin, kaya tinawag ang mga ito sa wikang banyaga sa ” mercurial problem.” Ayon parin sa alamat, nang suriin ng mga unang pahayam ang mga bagay-bagay upang pagbukud-bukudin sa apat na elemento hangin, apoy, lupa, tubig nagtaka sila sa isang metal na hindi solido manapa’y likido. Ito ay binansagan nilang ” mercury” o sa bagong katawan ay ” quicksilver.” Upang mabilis na makapaglakbay si mercury, gumawa siya ng sandalyas na may pakpak at tinawag niyang ” talaria” at sumbrerong may pakpak din na tinawag niyang ” petasus” dala-dala niya ang caduceus na ginawa naming simbolo ng agham sa medisina. Si mercury ang patron ng negosyo at komersyo, ng karunungan at paglalakbay, ng tula at pagsulat, ng mga kagamitan sa musika, at sa paglikha ng apoy.

 
 
 
 


Copyright © 2008. Pinoy Astrology. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact