Pinoy Astrology
 
Pinoy Zodiac Sign


 
 


LEO
THE LION - JULY 23 - AUGUST 22
BIRTHSTONE: SARDONYX O PERIDOT
BIRTHFLOWER: POPPY O GLADIOLUS
COLORS: RED AT ORANGE
RULING PLANET: THE SUN

BEST MARRIAGES: ARIES, LIBRA AT SAGITTARIUS

EARLY PERIOD: Ang Leo sa early period ay natural leader; lahat ng magandang katangian ng isang Leo ay nasa kanila, ang tanong nga lamang ay kung paano nila ito maipapakita. Mayroon silang kakayahan na pagsabayin ang kanyang intuition na may imagination. Nagtataglay sila ng forceful willpower at kapag ginusto ay kaya niya lalo na kung sasabayan niya ito ng gawa.

LATE PERIOD: Sa mga huling araw ng Leo, puwede ring makitaan ng problema. Sila ay mabait, may palakaibigan na disposisyon, at ang kanilang pagiging impulsive ay maaaring magsimula ng panibagong trend. Madalas ay nakikita dito ang paged-demand sa isang bagay na hindi naman importante at dahil dito nababawasan ang kagandahan ng katangian ng isang Leo.

POSITIVE TRAITS: Punong-puno sila ng spirit, courage, at determination. Isang hamon sa kanila ang gumawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Generous sila at ito ang pinakamagandang katangian ng Leo. Mahilig mag-blowout dahil naniniwala sila na ang pera ay dapat gastusin at hindi dapat itago. Sila rin ay loving, kind at thoughtful. Totoo sila sa kanilang sarili at mapagkakatiwalaan sa kahit anong sikreto.

NEGATIVE TRAITS: Pakiramdam ng isang Leo ay sila lamang ang may karapatang maging lider kung kaya’t nagiging arogante sila at mayabang. Dahil na rin marahil na napakataas ng opinion nila sa kanilang sarili. May tendency rin na maging materialistic, pera at kung paano sila yayaman ang palaging laman ng kanilang isipan.

Sa lahat ng signos sa zodiac, ang LEO marahil ang kagilas-gilalas. Ito ang simbolo ng katapangan, lakas ng loob, sigasig, at mataas na pangarap. Huwag lamang magmalabis ang isang taong ipinanganak sa ilalim ng leo ay makakamit nya ang mga pangarap. Ngunit tulad ni napoleon, kapag siya’y nawalan ng pakundangan ay babagsak siya sa sariling gawa. Gaya ng nangyari sa una sa waterloo. Marami raw falling stars sa constellation ng leo. Ganyang ang maraming isinilang sa signos na ito, kapag sumobra ang kanilang kayabangan. Pero tatanghalin silang lider at marami ang susunod sa kanila kapag sila’y naging mabait ay matulungin. Ang totoo, marami sa kanila ang mapagmahal din, maunawain, tapat makitungo at marunong makipagkaibigan. Ang leo na sobra ang yabang, kadalasan ay nagiging masungit at nananakit kapag nabigo sa kanyang kagustuhan. Di nga kasi, ibig niyang makaganti. Kapag marunong magpakumbaba ang isang leo, marami ang magtitiwala sa liderato niya, at ito ang magbubunsod sa kanya sa higit pang tagumpay at pagtulong sa kapwa. Dapat lang pigilin ng isang leo ang pagmamalabis at kilalanin ang kakayahan ng kanyang kapwa. Bilang gabay ng signos na leo, ang Araw ay itinuturing na isang ” Royal sign” o tanda ng mga dugong bughaw, mga hari at mga nasa kapangyarihan. Sa astrolohiya, ang SUN ay isang hari ng mga planeta sa ating solar system. Kaya marahil tinatawag natin itong haring araw. Umiinog ang mga planeta sa araw, at ito ang pinagmulan ng kanilang liwanag. Madilim ang daigdig kung wala ang araw. Ang init at enerhiyang dulot nito ang lagi nang bumubuhay sa mga nilalang dito sa lupa, kasama na ang tao.

 
 
 
 


Copyright © 2008. Pinoy Astrology. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact