|
|

LIBRA
THE SCALES - SEPTEMBER 23 - OCTOBER 22
BIRTHSTONE: OPAL O TOURMALINE
BIRTHFLOWER: MARIGOLD ( CALENDULA) 0 DAHLIA
COLORS: BLUE AT YELLOW
RULING PLANET: VENUS
BEST MARRIAGES: ARIES, LEO SAGITTARIUS GEMINI AT AQUARIUS
EARLY PERIOD: Bago maniwala sa isang bagay ang Librans ay
pinag-aaralan nila ito na gaya ng isang Virgo. Sa ganitong paraan,
nakakagawa sila ng lohikal na desisyon. Ngunit kadalasan ang nasa early
period na ito ay palaging ipinapaliwanag ang kanilang sarili sa pinong
paraan at ang resulta ay nakikitaan sila ng kakaibang karisma, mabilis at
palaging handing kaisipan na may kakaibang kakayahan sa pagresolba sa
problema ng iba at kapag hindi nila kayang balansehin ang kanilang
sariling problema, maaaring sila ay gumawa ng isang malabong taktika na
impluwensiya ng planetang Mercury. Ang Librans dito ay dapat na balansehin
muna ang isang sitwasyon, bago i-analisa
LATE PERIOD: Dito naman, ang mga Libra ay gumagawa kaagad ng
solusyon sa kanilang kaisipan at gagawin kaagad ito sa lalong madaling
panahon. Mayroon silang tendency na maging possessive sa mga bagay na
kanilang naging pag-aari at kahit na wala na sa kanila ito ay parang
pakiramdam nila na ito ay kanila pa rin. Naniniwala sila na kapag tama ang
isang bagay ay dapat itong ipaglaban at puwedeng maghamon upang
mapatunayan lamang na tama ito. Maaari ring makitaan ng mapagtanim na
ugali at selosa ang nasa late period ng Virgo.
POSITIVE TRAITS: Sila ay against sa kahit anong injuctice, at
madalas na kumampi sa mga taong naaapi. Mababait sila at may konsiderasyon,
maawain at hanggang sa makakaya nila ay hindi sila nananakit ng damdamin
ng iba. Karamihan ay pala-ayos sa bahay, lalaki man o babae.
NEGATIVE TRAITS: Gumagawa ng kasinungalingan ang Librans upang
maayos lamang nila ang kanilang relasyon. Marami sa kanila ang tumatakas
sa realidad o katotohanan, seloso at selosa at kung minsan ay nagpapakita
na mas importante sa kanila ang material na bagay.
Sumusunod sa Virgo sa kalendaryo ng astrolohiya ang LIBRA (Birthstone:
Opal; Bulaklak: Marigold, Dahlia: kulay: asul at dilaw, itim at puti).
Timbangan ang signos nito, may piring sa mata ang larawan ng babaeng
humahawak, at ito’y sumisimbolo sa general sense of fairness ng mga
Libran. Kahanga-hanga rin ang intuition ng libra. Sa pamamagitan ng
kanyang malalim na pandamdam, nahihiwatig niya ang totoo o kasinungalingan,
ang mabuti o masama. Para sa kanya, kung ano ang unang sumagi sa
magkasamang isip at pandama ay iyon ang tama. Tapat makisama ang libra.
Abot sa kaibuturan. Ngunit madaling sumama ang loob kahit sa kaunting puna
lang ng isang kaibigan o minamahal. Matagal bago siya magpatawad. Mahalaga
sa kanya ang pamilya, magsisikap siyang buuin ito kahit sa harap pa ng
mabibigat ng problema o mga hindi pagkakaunawaan. Lubos siya kung
makiramay sa mga naaapi. Kung maaari, o kung may magagawa kaya, ayaw
niyang may inaabuso at napagdaramutan ng hustisya. Dahil sa labis nilang
pagpapahalaga at pagmamahal, magsisikap silang mapanatili ang unawaan at
kapayapaan hindi lamang sa kanilang tahanan kundi sa lipunan. Kapag sila’y
nasaktan, malalim silang nasusugatan. At makukuha mo lang muli ang kanyang
tiwala kung iiwasan mo ang magkunwari at manlamang sa kanya. Sensitibo ang
kaluluwa ng isang libra. Ngunit madali siyang makasundo at mabuti at
kalugud-lugod na kaibigan sa pangkalahatan. Ang sa kanya’y unawaan at
kapayapaan. Mahalaga sa kanya ang nakaraan para sa kinabukasan. Marami sa
kanila ang may kakayahan, matuklasan man o hindi, na manghula at mag-
psychic healing. Kapareho ng Taurus,ang Venus ang planetang naghahari sa
signos ng libra.
|
|