Pinoy Astrology
 
Pinoy Zodiac Sign


 
 


PISCES
THE FISHES - FEBRUARY 19 - MARCH 20
BIRTHSTONE: BLOODSTONE o AQUAMARINE
BIRTHFLOWER: DAFFODIL o JANQUIL
COLORS: LAVENDER, WHITE o BLACK
RULING PLANET: JUPITER

BEST MARRIAGES: SCORPIO, VIRGO, CANCER o minsan sa PISCES

EARLY PERIOD: Ang nasa early period na ito ay mayroong katangian ng Aquarius. Kaya nilang magtagumpay at kasabay ang pagtulong sa iba. Ang pagiging isang lider, kakayahan at ang nais na makatulong sa iba ang tatlong pangunahing katangian nila. Subalit ang mga taong nasa period na ito ay maaaring hindi magtagumpay at hindi magiging maligaya. Dahil na rin sa pagkakataon, sila ay naniniwala sa maling paniniwala at panuntunan sa buhay at habang nagsasakripisyo ang iba naman ay nakikinabang. Subalit kung bibigyan ng control, kaya nilang maging isang magaling na pinuno at kayang mapagwagihan ang anumang balakid sa kanilang landas.

LATE PERIOD: Kapag nakuha nila ang katangian ng aries at ang kakaibang alab ng aries, ang magiging resulta ay ang pagnanais na magkaroon ng isang malakas at epektibong aksiyon. Hindi naman ibig-sabihin ay makikipag-away. Gagamitin nila ang kanilang talino para mapagwagihan ang anumang laban. Tahimik, masipag at nagplaplano na katulad ng naglalaro ng chess na hindi mo alam kung ano ang susunod na hakbang na kadalasan ay nagreresulta ng tagumpay. Magaling silang makipaglaban pagdating sa talino ngunit nakikilala sa paglaban ng patas. Nadadala ang katangiang ito sa Aries sibalit mas lalong nagiging agresibo kapag nasa Aries sign na talaga.

POSITIVE TRAITS: Alam nila kung ano ang kanilang nararamdaman o kailangan ng isang tao na lalapit sa kanila bago pa man ito magsalita. Naniniwala sila na ang tao ay dapat magtulungan at hindi magsiraan. Hindi mahalaga sa kanila kung may pagkukulang ang isang tao dahil sa sila ay mayroong malawak na pang-unawa. Malakas din ang kanilang kutob. Kadalasan ay sila ang gumagawa ng paraan upang magkasundo ang kanilang mga kaibigan ng hindi nagkakasundo. Generous at dahil dito ay madaling magkaroon ng kaibigan. May talent sila sa Music at Art.

NEGATIVE TRAITS: Madalas maawa sa kanilang sarili dahil iniisip nila na sila ay madalas maagrabyado. Madaling panghinaan ng loob dahil iniisip nilang ang kanilang mundong ginagalawan ay malupit at dahil dito ay madaling mabuyo sa bisyo. Karamihan din sa kanila ay tamad.

Ang huling signos sa kalendaryo ng astrolohiya ay ang PISCES (Birthstone: Bloodstone o Aquamarine; Bulaklak: Daffodil; Kulay: Itim, berde, Lavender, puti). Sumisimbolo dito ang dalawang isdang magkahiwalay na lumalangoy, na tanda ng magkasalungat na personalidad. Sino ang dalawang isdang ito sa mitolohiyang Griyego? Si Aphrodite ang isa, ang diyosa ng kagandahan, ng katuwaan, ng pag-ibig at mga mangingibig, na umakit maging sa mga pahayam. Ang ikalawa ay si Eros, ang diyosa ng pag-ibig na kilala sa kapilyuhan, at lalong bantog bilang si Cupid ng mitolohiyang romano. Laging magkasama ang dalawang ito. Minsan, natakot ang lahat ng nakatira sa Olympus nang sumalakay ang higanteng si typhoeus. Nagpalit ng anyo ang lahat ng Olympian. Sina Aphrodite at Eros ay nagsa-isda at tumalon sa karagatan. Pagkatapos ay inilagay sila sa Athena, isa pang anak ni Zeus, sa constellation ng pisces. Ang mga Piscean ba ay lumalangoy nang pasalunga sa agos? Mahigpit ang pagpahalaga nila sa tama at mali. Kung kinakailangan ay sasalungat sila sa agos. Pero hindi indibidwalistiko ang isang Piscean, manapa’y palakaibigan. Gusto niyang makisalamuha hindi lamang sa lipunan kundi pati sa negosyo rin. Tulad ng Aquarius, maluwag ang palad ng mga taong ipinanganak sa signos ng Pisces; kung minsan ay labis pa nga. Naaakit ang ibang tao sa kanila dahil mapagbiro at tapat makisama. Huwag lang silang maunahan ng kagustuhang manahimik at mapag-isa. Madaling matuto ang isang Piscean. Mahilig magsaliksik, nasa puso at diwa niya ang arte. Palabasa at palaaral siya. Ayaw niya ng taong mayayabang. Gaano man ang lalim ng kanyang lalanguyin, malakas ang loob niya at mat tiwala sa sariling kakayahan. Perfectionists si pisces. Dahil dito, kailangan niya ang panahon upang makapag-isip nang mabuti. Kaya tuloy, nasasabing nagpapabukas siya. Ngunit ang Pisces na nakapag-aral ay maaaring magturo at magpayo, maging siyentipiko o henyong pilisopo. Ibig niyang baguhin ang nakagawian upang umangat ang karamihan. Marami sa kanila ang nahihilig sa musika, o sa tula at panitikan. Ayon sa isang astrologo, ang dalawang katauhang signos ng Pisces ay masasabing kumakatawan sa pisikal at kaluluwa o espiritu ng tao. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang ito. Payapa ang tahanan nila; ang mag-anak ay may pagkakaisa at pagkakaunawaan sa tulong nina Aphrodite at Eros na kanilang gabay. Ang planetang Jupiter ang ruling planet ng Pisces, kapareha ng Sagittarius.

 
 
 
 


Copyright © 2008. Pinoy Astrology. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact