|
|

SAGITTARIUS
THE BOWMAN - NOVEMBER 22 - DECEMBER 21
BIRTHSTONE: TURQUOISE o ZIRCON
BIRTHFLOWER: HOLLY o POINSETTIA
COLORS: MAUVE, INDIGO AT GREEN
RULING PLANET: JUPITER
BEST MARRIAGES: ARIES, GEMINI, LEO, LIBRA kung minsan sariling
sign.
EARLY PERIOD: Sa pagiging aktibo at masayahing ugali ng Sagittarius
at ang pisikal na katangian ng Scorpio makikita mo sa early period na ito
ang pagiging energetic na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong sign.
Magaling mangalap ng kaalaman ang nasa period na ito at alam kung saan
gagamitin. Dahil sa katangiang pagkakaroon ng talino at malusog na
pangangatawam at walang kapagurang personalidad, nagiging matagumpay ang
mga ito. Kayang dalahin ang mabigat na problema pero nagpapakita ng
control na nagiging sanhi ng pagsunod ng kanilang pagiging kalmado at
layunin. Kapag hindi nangyari, hindi sila nagtatagumpay.
LATE PERIOD: Dito sa period na ito makikita ang intelektuwal na
katangian ng bowman. Mas papalapit sa sign ng Capricorn, mas lalong
makikta rito ang pagkahilig sa kultura at pilosopiya. Hindi sila madaling
makuntento sa pisikal p komersiyal na tagumpay. Kailangan nga lamang ng
magplano ng maaga para sa mataas na ambisyon at may kinalaman sa edukasyon.
At talagang makakamit ang mga pangarap maging ang mga bituin.
POSITIVE TRAITS: Naniniwala ang Sagittarian sa rule na “honesty is
the best policy” at ito ay kanilang sinusunod. Dahil sa pagiging
independent at carefree, nakakatulong kung minsan ang ganitong pag-uugali
sa iba. Hindi kailanman naiinggit at maligaya kapag nagtatagumpay ang
kanilang kaibigan. Tapat sa kanilang salita at dahil sa pagiging honest,
kung minsan ay nagiging brutally frank. Madaling magpatawad at hindi
nanunumbat, seldom critical at palaging generous. Mayroong ugaling
masayahin kung kaya’y hindi apektado sa problema ng ibang tao. Maraming
tao ang humahanga at malaki ang respeto sa kanila ng ibang tao dahil sa
mataas na patakaran nila sa kanilang buhay. Hindi sila naniniwala sa
pagpapanggap.
NEGATIVE TRAITS: Kung minsan, dahil sa pagiging tapat sa kanilang
sasabihin, hindi nila namamalayan na nakakasakit na pala sila ng damdamin
ng kapwa nila. Nagagalit sila kapag nami-misunderstood sila ng ibang tao.
Ang iba sa sign na ito at tackless at masakit magsalita. Kung minsan naman
ay hindi marunong humawak ng pera. Marami ring sinasayang na oras at hindi
mapakali sa isang lugar ang Sagittarian.
Ang mga taong ipinanganak sa signos na SAGITTARIUS ( Birthstone:
Turquoise; Bulaklak: Poinsettia o Holly at Narcissus; Kulay: Mauve, Indigo
at berde). Tulad sa simbolo nilang mamamana, kapag may inaasinta silang
layunin o adhikain sa buhay ay pinagbubuhusan nila iyon ng kanilang buong
atensyon at enerhiya. Single mindedness of purpose ang isa sa kanilang
pinakatampok na katangian na maipagkakakapuri mo sa kanila. At bihira
silang malihis o ma-distract dito. Malaya ang kaluluwa at kaisipan ng
isang Sagittarian. Masigla, palaaral, hindi pabaya sa kalusugan at mataas
ang pangarap. Masayahin siya pero seryoso pagdating sa sariling
paninindigan. Ang kanyang prinsipyo: Honesty is the best policy. Ang
pinagmanahan niya ay si Chiron, isang immortal nainihandog ang sariling
buhay upang iligtas si Promethus, ang Titan (higante) na nagnakaw ng apoy
sa Olympus at ibinigay iyon sa tao. Isang centaur si Chiron, tao ang
kalahati ng katawan at ang kalahati ay kabayo, na dinakila dahil sa
kanyang kabaitan at pagpapakasakit. Mahusay manumit ang isang Sagittarian
at mahilig din sa alahas. Pero sa likod ng superfluity na ito ay ang
personalidad na determinado at hindi pabagu-bago ng pasiya. Isa rin sa mga
katangian ng Sagittarian ay ang pagiging tapat. Kung minsan ay tahasan
siya kung magsalita at walang pakialam kahit makasakit pa ng damdamin.
Ayaw niya ng pagkukunwari at kaplastikan. Marami sa mga Sagittarian ang
may ugaling matipid na maaaring maipagkamali sa kakuriputan ng iba. Ang
totoo’y maingat lang sila sap era. Pero kung tunay na mahalaga ang
kanilang nilalakad o inaasinta, walang problema sa kanila ang gumastos.
Jupiter ang ruling planet ng Sagittarius. Sa mitolohiyang Romano, si
Jupiter ang pinakamakapangyarihang diyos, ang hari ng Olympus. Ang
katumbas niya sa mitolohiyang Griyego ay si Zeus. Siya ang patron ng mga
makata, manunugtog at iba pang mga mahilig sa sining o arte. Bilang Hari
noong kanyang panahon, siya ay mapagkawanggawa, mahilig sa palakasan,
magiliw sa mga bata at mahilig sa anumang uri ng kasiyahan. Pero sa kabila
nito, may reputasyon din si Jupiter na sumpungin, makasarili at mapaghabol
sa mga babae.
|
|