EARLY PERIOD: Ang pinakamaimpluwensiya at tagapagbago ay nandirito sa period na ito, sila ay ang may makataong pamamaraan dahil na rin sa may halo pa silang katangian ng Libra. Sila ay iyong malumanay magsalita, marahang magtrabaho subalit may tapang sa pagpapakita nito. Sila ay ang mga taong may kakayahang makalagpas sa kahit anong mabigat na kritisismo at kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. Pero ang pinakaugali ng Scorpio ay makikita rin sa period na ito at pati na rin sa late period. LATE PERIOD: Kapag pinagsama ang ugali ng Scorpio at ang straight aim ng Sagittarius, ang mga pinanganak sa period na ito ay magiging matagumpay sa kahit anong prosesyon na pipiliin. Ikaw ay mayroong kakaibang force, sa lakas at determination, dito ang kailangan lamang ay ang goal. Mayroon din silang kakayahang mamuno dahil na rin sa impluwensiya ng kanilang planeta at appeal ng planetang Jupiter. Ang period na ito ay tipikal na rin sa Scorpio, at talagang challenging para na rin sa kanilang ikabubuti. Imbes na pansinin ang mga balakid sa kanilang balak, dapat sanayin na lamang ng Scorpio ang kanilang sarili sa mga makataong Gawain na sinamahan pa ng mataas na layunin. POSITIVE TRAITS: Mayroong total self-control ang Scorpion at may practical intuition. Mapagmahal at may konsiderasyon sa damdamin ng ibang tao. Naniniwala sila sa sinseridad sa kahit na anong relasyon. Habang hinahamon ay lalong tumatapang at nagiging matagumpay naman. Hindi takot sa mabigat na trabaho at kayang harapin ang kahit na anong problemang dumarating sa kanila. Ang pinaka-advantage ng isang Scorpion ay ang pagiging risk-taker, bold adventurer at walang kinatatakutan sa kahit na anong labanan. Harapan lumaban at hindi patraydor, ngunit binibigyan nila ng patibong o trap ang mga taong kumakalaban sa kanila. Tunay din silang makisama lalo’t nagustuhan nila ang isang tao. Buhos di kung magmahal ang tulad nila sa dahilang madali silang magmahal at magtiwala. Ngunit mag-ingat, sapagka’t kung sila’y nasaktan ay makakamtan mo ang bangis at tindi nang kamandag ng kanilang galit. NEGATIVE TRAITS: Kapag nakaramdam ang isang Scorpion na naaagrabyado sila, gumagawa sila ng kahit anong paraan upang makaganti. Nakakatakot kung minsan ang kanilang pamamaraan kung may nais na makamit o magustuhan, at nakakatakot magalit. Possessive, maramdamin at kung minsan ay may pag-iisip na sinasaktan ang kanilang damdamin kahit na hindi. Mahilig din sa sex, at lagi silang naghahanap ng pagmamahal. Masdan natin ang alakdan, ang simbolo ng signos na SCORPIO (Birthstone: Topaz; Bulaklak: Chrysanthemum o red carnation; Kulay: Crimson at ultramarine). Hindi ba’t karamihan siyang nakasiksik sa mga suluk-sulok at sa dilim? Bakit siya nagtatago? Ano ang kinatatakutan niya? Bakit mahapdi ang kagat niya’t kung minsan ay nakamamatay ang lasong taglay niyon? May kasalanan ba siyang ayaw panagutan? Sa mitolohiyang Griyego, si Oenopion na hari ng Chios ay magiging biyenan sana ni orion, ang higante at guwapong mandirigma at mangangaso. Maliit si oenopion at papayag lang na makasal ang dalaga niyang si Merope kung lilinisan muna ni Orion ng mababangis na hayop ang kagubatan ng Chios. Ngunit minsan ay nalasing si Orion. May nasabi siyang ikinapahiya ng haring Oenopion. Kaya nang makatulog si Orion ay binulag siya ng huli. Sa takot ni Oenopion na buweltahan siya ni Orion ay basta na lang lumayas ito. Walang nakaalam kung saan siya nagtago. Samantala, nang lumuhog at sumangguni si Orion sa oracle at Delphi, sinabi sa kanya na makakakita siyang muli kapag nasikatan ng araw ang kanyang mga mata. Sa huli, naging constellation si Oenopion at tinawag ng Scorpion. Si Scorpion, batay sa mga unang pahayam, ay kumakatawan sa gutom, init, peste at kamatayan. Ang mga ipinanganak sa signos na ito ay mga adbenturero at mahilig sa kalikasan. May sarili silang paninindigan at pagkatao, at nagtataglay ng malakas na personalidad. Makikita mo sila sa mga kilusan at nakikipaglaban sa kanilang katunggali sa prinsipyo at hangarin. Malihim ang mga Scorpion. Kung anuman ang iniisip ay kadalasang sinasarili at itinatago. Kaya’t kapag umaksyon ay magugulat na lang ang kanilang katunggali. Hindi sila katulad ng iba na padaskul-daskol kung kumilos. Deliberate, ika nga. Pero kuwidaw sila sa mga taong mas matalino at mas marunong sa kanila, lalo’t kung mababa lang ang kanilang pinag-aralan at walang gaanong karanasan. Karamihan sa mga Scorpion ay naglalaro sa dalawang extreme: kung minsan ay mapagtimpi, kung minsan naman ay madaling magsiklab. Kung minsan, kapag naaapi sila ay kanilang inilalagay sa mga kamay ang batas. Indibiduwalista si Scorpion, at dahil nga sa makipot ang dinadaanan niya bilang alakdan, sa mga sulok at dilim, kailangang matuto silang ipagsanggalang ang sarili, magsumigasig at gamitin ang lahat ng kanyang pandamdam upang makasalba sa buhay. Ang iba ay nahihilig pa sa okulto. Ang mga babae sa signos na ito ay mahusay humawak ng maliliit na negosyo. May suwerte sila sa pamimili at pangangalakal. At dahil malihim ang mga Scorpion, pinagtitiwalaan sila maging sa mga personal na bagay. Mars ang planetang gumagabay sa signos ng Scorpio Na atin nang natalakay. |
|
Copyright © 2008. Pinoy Astrology. All rights reserved
For your comments/suggestions please contact