|
|

TAURUS
THE BULL - APRIL 20 - MAY 20
BIRTHSTONE: EMERALD O GATE
BIRTHFLOWER: LILY OF THE VALLEY
COLORS: YELLOW AT BLUE
RULING PLANET: VENUS
BEST MARRIAGES: VIRGO, LIBRA, SCORPIO AT CAPRICORN
EARLY PERIOD: Nandito ang may “strong personality” pinaghalong
simpatiya at lakas, na sobra ang paghahangad sa mga bagong oportunidad
para sa isang mabilis ngunit mahirap na pagkilos upang makamit lamang ang
kanilang kagustuhan. At kung sila ay nahaharap sa isang seryosong
sitwasyon o kakaiba sa kanila, gagawa at gagawa sila ng paraan upang
makaalis sa sitwasyon kaysa maghintay na lamang kung ano ang mangyayari.
Sabi nga, basta makakita ng pagkakataon, hahanap sila ng paraan upang
makamit lamang ang gusto kung kaya naman ay kailangan nila ng control,
control at ibayong control pa.
LATE PERIOD: Kung sa early period ay strong na ang personality ng
Taurean, dito sa late period ay mas lalong stronger ang kanilang
personality at skillful. Marunong silang makipaglaro at puwedeng ma-off
guard ang kanilang kaharap at pagkatapos ay kikilos ng buong-buo ang loob
para sa ikatatagumpay ng kagustuhan. Kapag hindi naman nasunod ang mga ito
ay nagta- tantrums sila at hindi ito maganda dahil hindi lahat ng kanilang
nakakahalubilo ay kasing clever nila at maari pang ma-offend ang kanilang
kaharap.
POSITIVE TRAITS: Ang Taurean ay tapat sa kanilang sinasabi at
mapanghahawakan ang kanilang binitawang salita. Tinatanggap nila ang isang
tao ayon sa kanilang sariling katauhan. Maaasahan mo sila sa oras ng
kagipitan at ugali na nila ang tumulong sa taong nasa kagipitan. Family-
oriented, reliable at loving. Kapag nakagawa na sila ng desisyon, hindi
iyon mababago o mapapalitan pa. Ang kanilang katigasan ng kalooban ay
masasabi ring kalinisan ng kalooban dahil ang anumang bagay na kanilang
gustuhin ay kailangang manggaling sa kanilang sariling sikap at malinis na
paraan.
NEGATIVE TRAITS: May tendency na maging materialistic ang Taureans.
Ayaw nila na sila ay pinagsasabihan sa kanilang dapat gawin kung kaya’t
napakahirap sa kanila ang makinig sa paliwanag at katwiran ng iba.
Napakahirap sa kanila ang magpatawad at malimutan ang mga taong nakagawa
sa kanila ng pagkukulang o pagkakamali.
Kapag sinabi naman nating matigas ang ulo ng isang tao, hindi malayong
ipinanganak siya sa ilalim ng signos na TAURUS ( Birthstone: Emerald;
bulaklak: Lily of the valley; mga kulay: Dilaw at asul). Bull- headed ‘ika
nga, na gaya sa torong sumisimbolo sa kanya. Pero mautak din; alam ang
gusto niya at handing magsumikap upang makamit iyon. Kung minsan, ang mga
Taurean ay sobrang mapagbigay. Kung minsan naman, kapwa kapag sinabi
nilang wala, hindi mo sila maamutan. Ang Taurus ay lagging nasa unahan.
Kung kailangan mo ng tulong, nakahanda siya sa lahat ng oras, basta sa
tingin niya’y tama. Kapag inisahan mo, tiyak na ikaw ay susuwagin niya. Sa
mitolohiyang Griyego, si Zues mismo ang nagsa-toro dahil sa labis na
pagkahumaling niya sa kagandahan ni Europa. Puting toro na mabikas ang
tindig at maganda ang tinig. Nabighani naman si Europa nang Makita ang
toro, kaya ito’y sumakay. Inilipad siya ng toro sa Crete at doon ay
ipinagtayo siya ni Zues ng magandang palasyo na wala kang makikita kundi
pawing kagandahan. Mahilig sa kasayahan ang mga Taurus. Sila’y kadalasang
nagtatagumpay bilang magbubukid, negosyante, inhinyero at iba pang
propesyon na kailangan ang talas ng isip. kapag hindi narendahan ng isang
Taurean ang tigas ng kanyang ulo, ito ang maglulubog sa kanya sa kabiguan.
Pero habang nagtatagumpay ay lalo naman siyang nagiging matulungin at
mapagkawanggawa. Ang planetang Venus ang gumagabay sa signos ng Taurus. Si
Venus ang kumakatawan sa kagandahan, pag-ibig at pagkakaunawaan, pati ng
pertilidad. Wala siyang hinihindian sa mga humihiling sa kanya. Sa mga
romano noong unang panahon, patron nila ang diyosang si Venus sa politika
at diplomasya, tulad din ng mga marino, dahil nga sa kanyang kapusukan.
Ayaw ni Venus ng pangit ng anumang kapangitan kaya gusto niyang bahagian
ng pag-ibig at kagandahan ang bawat lumapit sa kanya. Sa kabila ng kanyang
kapusukan, pinapaboran din ni Venus ang mataas na lipunan, ang romansa,
magandang kapalaran, mga samahan, ang sining at kultura, at ang pag-unlad
ng tao, hindi lamang sa material na bagay, kundi pati na rin sa mga bagay
na ispiritwal.
|
|