|
|

VIRGO
THE VIRGIN - AUGUST 23 - SEPTEMBER 22
BIRTHSTONE: SAPPHIREM CHRYSILOTE O PINK JASPER
BIRTHFLOWER: ASTER, MORNING GLORY O CORNFLOWER
COLORS: GOLD, BROWN O BLACK
RULING PLANET: MERCURY
BEST MARRIAGES: ARIES, TAURUS, CAPRICORN O PISCES
EARLY PERIOD: Dito, ang Virgo ay may impluwensiya pa ng brilliance
at ang spirit ng Leo na ginagamit naman ng Virgo sa magandang intensiyon.
Mahilig sa nature ang nasa period na ito. Madali nga lamang mag-init ang
ulo ng Virgo dahil sa mga bigong pangarap na hindi nila nakamit at
pinaniniwalaang dapat ay kanilang makamit.
LATE PERIOD: Ang Virgo naman dito sa period na ito ay mapag-analisa.
Pinag-iisipan muna nia ang isang sitwasyon at tinitimbang kagaya ng
katangian ng libra kung kayat ang kanilang desisyon ay madalas na palaging
tama. Ang kabilisan ng kanilang ruling planet na mercury at pinalambot pa
ng katangian ng Venus ang siyang gumagabay sa Virgo tungo sa kabaitan at
kagandahan. Ang pag-iisip ay madalas ibalanse sa pisikal, lohikal na
sinamahan pa ng sinseridad ang madalas na maghatid sa kanila sa tagumpay
kung kanila lamang bibigyan ng matiim na pansin at atensiyon.
POSITIVE TRAITS: Mapagkakatiwalaan ang mga Virgo lalong-lalo na sa
pagtratrabaho. Hindi sila tumitigil na mapaganda ang kanilang trabaho
hindi sa kadahilanang kailangan nila ang pera ngunit kung di sa kanilang
sariling fulfillment. Praktikal at hindi takot sa mabigat na trabaho, at
ayaw nila ng pa-short-cut na approach. Iniiwasan nila ang anumang labis sa
kahit anong bagay dahil alam nila kung ano ang tama at mali para sa kanila,
sa kadahilanang sila ay nagtataglay ng isang malakas na disiplina sa
kanilang sarili.
NEGATIVE TRAITS: Dahil sa sobrang linis sa pangangatawan, inaasahan
nila ang ibang tao ay ganoon din. Sasabihin nila ang kanilang gusting
sabihin kahit na nakakasakit na sila ng damdamin ng iba dahil sa
kadahilanang kulang sila sa emosyon. Kung minsan ay ipinipilit nila ang
kanilang katwiran sa ibang tao at nagiging pakialamera at pintasera.
Ang birheng sumisimbolo sa signos ng VIRGO (Birthstone: Sapphire,
Chrysolite o pink jasper; Bulaklak: Aster, Morning glory o cornflower:
kulay: Itim, Ginto at brown) ay si Astraea, anak nina Zeus at Themis. Si
Astraea ang diyosa ng katarungan. Siya’y ipinadala sa lupa upang
pamahalaan ang hustisya. Pawng mga lalaki ang mga nilalang nang panahong
iyon, na kung tawagin ay gintong panahon. Ngunit dumating ang panahon ng
bakal at tanso, panahong nahumaling ang mga kalalakihan sa alak, babae at
kanta. Walang nagawa si Astraea sa mga kaguluhan, kaya umalis siya sa lupa,
itinapon ang kanyang timbangan ng hustisya, na nalubog naman sa
constellation ng libra. Bilang simbolo ng Virgo at tagapagpatupad ng
hustisya, ang birhen ay matalino, palaaral, masinop sa buhay, mahusay
makitungo sa kapwa, at malinis sa lahat ng bagay, lalo na sa kanyang
katawan. Mabusisi siya sa detalye ng mga bagay-bagay at animo’y computer
ang kanyang pag-iisip. Palatanong , palabasa at matalim ang memorya. Ang
mga problemang nakakasakit ng ulo sa iba ay kadalasang madali lamang sa
isang Virgo. Ang talino at magiliw nilang pakikitungo ay madaling makaakit
sa mga may kapangyarihang makatulong sa kanila. Pero hindi nila ugali ang
mambola. Mas ibig nilang pumuri ng tapat. Madali ri silang kumilatis ng
tao dahil may pagka-perfectionists ang mga nasa ilalim ng signos na virgo.
May tiwala sila sa sariling galing, kaya malaki ang tiwala nilang
kayang-kaya nilang tuparin ang anumang bagay na kanilang pagtuunan ng
panahon at pagsisikap. Ang isang problema sa virgo ay ayaw niyang
nasasabihan hanggang maaari at nahihirapang tumanggap ng payo. Kapag hindi
natupad ang kanyang gusto, pababayaan na niya ito. Matiyaga siya sa
trabaho; kapag siya ang nagpatrabaho, kailangang siya lamang ang masunod.
Gaya sa Gemini, Mercury ang ruling planet ng Virgo.
|
|