Ang mga karera sa Santa Ana Park

February 5, 2009 by admin  
Filed under News

MULING SUMIGLA ANG BAYANG KARERISTA nang tuluyang mabuksan ang bagong karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite City. Kapupuna ang mga distansiya na puro maikli dahil  sinasanay  pa ang kondisyon ng bagong karerahan.

Sa mga nakaraang karera noong isang linggo ay halos mga liyamadong kabayo ang mga nanalo. Bihira ang mga nanalong dehado dahil napapanood sa TV monitor na puro laban ang mga kabayong liyamado.

May napuna ang Bayang Karerista na mahaba ang rektahan bago mag-finish line.

Ang puna lang natin, ang TV coverage ay hindi maganda dahil sa maling tutok sa mga tumatakbong kabayo. Sana ma-improve ng mga cameraman ang mga pinakikitang angulo.

Maganda at talagang high-class ang pagkakagawa sa karerahan ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Bihirang karerista o mananaya ang gustong magpunta doon dahil sa layo ng lugar. Sana ay magkaroon ng pangsamantalang service  para sa Bayang Karerista.

Kahit kaunti lang ang mga kabayong nagsisitakbo bawa’t race ay halos nagkakaroon din ng malaking sales sa mga exotic bets. Dito ay naiiwasan halos ang perderan ng mga hinete dahil madali silang makita ng mga race stewards sa ang mga katarantaduhan  nila sa ibabaw ng kabayo.

Ang mga illegal bookies ng kabayo ng ilang gambling lord ay nagsara dahil apektado sila sa kakaunting nagsitakbong kabayo sa bawa’t karera. Madali raw kasi silang tamaan ng mga mananaya.

Sa mga opisyal ng Santa Ana Park at San Lazaro Leisure Park, may  maganda tayong mungkahi. Huwag po kayong mag-iskrito ng maraming pangalan ng kabayo sa bawa’t race. Halos pareho din ang sales ng iyong karerehan kung marami o kakaunti ang nagsisitakbong kabayo.

Sana po ay makatulong ang mungkahing ito para sa ikabubuti at ikagaganda ng dalawang karerahan dito sa ating bansa.

Source: Hataw!